UNO OVERSEAS PLACEMENT, INC. is continuing its efforts to provide exceptional services to employers and principals in Japan, Australia, Malaysia, Kuwait and other parts of the world by utilizing the competencies,proven talents and skills of Filipino Professional and Skilled Workers in the area of Information Technology, Engineering, Agriculture, Aviation, Healthcare, Construction, Fabrication and other industry.
ウノ オーバーシーズ – 目的を持った派遣
UNO OVERSEAS PLACEMENT Inc. は、日本、オーストラリア、マレーシア、クウェート、および世界の他の地域の雇用者と監理団体に、情報技術、工業、農業、航空、健康管理、建設、製造、およびその他の産業の領域のフィリピン人専門家と熟練労働者の能力と立証された才能と技能を利用することによる、優れたサービスを提供すべく努力を続けております。
Friday, August 31, 2012
Tuesday, April 10, 2012
OFW-farmer in Pampanga: Farming is where the money is | ABS-CBN News
He was a project engineer in the Middle East country, earning a substantial amount of money.
But there was something else David had wanted to do. He wanted to do agricultural farming in his native barangay of San Matias here.
OFW-farmer in Pampanga: Farming is where the money is | ABS-CBN News
Isang magandang halimbawa ng OFW na nag-iisip na makapagsapalaran sa Pilipinas ng kanyang kinita abroad.
Sana maging halimbawa nawa sa lahat ng Uno Interns.
Sunday, April 1, 2012
Sunday, February 5, 2012
Friday, January 27, 2012
Pursuing your dream
Pursuing your dream
Whatever it is that is engraved in our hearts is something we must follow and protect at all costs.
Whatever it is that is engraved in our hearts is something we must follow and protect at all costs.
Wednesday, January 4, 2012
Overseas Filipino Worker (OFW)
Overseas Filipino Worker (OFW)
Bata-bata' pa ako noong maimbento ang katagang OCW - overseas contract worker - na maaring mas angkop na tawag sa mga kababayan nating nangingibang bansa para kumita kaysa sa 'picking apples'. Kalagitnaan noon ng dekada setenta noong muling sumiklab ang matinding pagnanais ng mga manggagawang Pilipino na kumita ng dolyar sa pagbubukas ng bansang Saudi Arabia ng mga trabahong magpapaunlad sa kanilang pamayanan sa pamamagitan ng kanilang yaman galing sa likas-yamang langis.
Lumipas na ang mahaba-habang panahon at ang naging karaniwang tawag sa mga nangingibang-bansang mga kababayan natin ay overseas Filipino workers o OFWs. Kilalang-kilala na ang mga OFW, halos sa lahat ng sulok ng mundo. Anupa't ang Pinoy ay nakaabot na raw sa isandaan at dalawanpung bansa upang magbaka-sakaling makatagpo niya ang katuparan ng kanyang minimithing mga pangarap.
Napansin ko lang na nangingibabaw pa rin sa isip at salita ng maraming Pinoy, sa Divisoria man o sa Forbes Park, na kaya raw nag-aabroad ang Pilipino ay dahil walang sapat na trabaho sa Pilipinas. Marami raw ang walang hanapbuhay, walang mapasukan o kaya ay di sapat ang kita kung mayroon mang pinagkakakitaan.
Matagal na panahon na at hanggang ngayon patuloy pa rin ang aking pagtatanong kung bakit tuwing araw ng Linggo halos di mabilang ang dami ng pahina sa mga pahayagan ukol sa mga anunsiyo sa trabaho o kung tawagin ay 'classified ads', lalo na sa Manila Bulletin. Kung wala o kapos ang trabaho sa Pilipinas, bakit napakarami pa rin ang naturan kong mga pahina sa diyaryo?
Sa aking matagal na pagsusuri, mas nagingibabaw ang pananaw ko na maraming Pilipino ang salat sa angkop na kaalaman at kakayahan para sa mga naturang trabaho na matagal na panahon nang nakalatag sa mga pahina ng diyaryo. Maliban doon, marami pa ring Pinoy ang nais sumandal na lang sa kanilang MBA na kuwalipikasyon - May Backer Ako.
Hindi lang iilang beses na naimungkahi ko sa mga kaibigan na ibahin na natin ang pananaw sa pag-aabroad ng mga Pilipino. Sa ganang akin, malaki ang kinalaman ng tatlong bagay sa mga Pilipinong nagiging OFW.
'Kaya ko rin yan!' - mga katagang nasasambit ng isang Pilipino na nakakapansin sa pag-aasenso ng buhay ng kanyang kapitbahay, dahil buwan-buwan ay may natatanggap na dolyar mula sa kapamilya sa abroad. Napakabigat na hamon para patunayang 'kaya ko rin yan!'
Likas na mahilig din sa 'adventure' ang mga Pinoy, lalo na kung ang pagbabaka-sakali ay magdudulot pa ng malaking kita para sa mga pangangailangan ng pamilya. Mapatapos sa pag-aaral ang mga anak, makabili ng sariling lupa at bahay, makapagpundar ng maliit na negosyo - maisasakatuparan lamang ang mga pangarap na ito kung makakapag-abroad!
Maliban dito, ang isang welder sa Cavite na nag-eekstra lamang sa talyer ay maaring makapag-uwi ng dalawan-daang piso sa loob ng isang araw, kung may suwerte, habang ang trainee welder sa Nagasaki ay maaring tumanggap ng higit sa tatlong daang piso sa bawat oras ng kanyang pagtatrabaho! Bakit magtitiyaga yong Kabitenyong welder sa pagiging ekstra, kung puwede namang makipagsapalaran sa Nagasaki, baka may overtime pay pa!
Para sa akin, ganyan ang tunay na kuwento ng OFW at batid kong biniyayaan talaga ng Maykapal ng mabuting katangian ang Pilipino para maging makabuluhang bahagi siya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at ekonomiya ng mga bansang kanyang pinaglilingkuran.
Kailan naman kaya mabibiyayaan ng kaunlaran ang kaisa-isang mahal nating bansang Pilipinas?
Thank you, Labatt Cliff for this inspiring, informative and realistic article concerning our OCWs.
Kudos to all our OFWs,
Uno Overseas Placement
Kudos to all our OFWs,
Uno Overseas Placement
Monday, January 2, 2012
Turnover goes on at POEA
Turnover goes on at POEA
The axe finally fell on Philippine Overseas Employment Administration (POEA) chief Carlos Cao Jr. Monday. His replacement, former Labor Undersecretary Hans Cacdac, formally took over the agency in morning rites at the POEA building in Mandaluyong City.
Cao did not attend the ceremony, saying he had to tend to his wife, who was confined at the Cardinal Santos Medical Center in San Juan City.
Cao said that up to the end, he was not formally informed about his removal from office and the reasons behind it.
Subscribe to:
Posts (Atom)